Ogie Diaz, naintriga sa isang komento ukol kay Jam Villanueva: "Parang may detalyeng alam siya"
Naintriga si Ogie Diaz, gayundin ang mga kasamahan niya sa kanyang Showbiz Update ukol sa isang komento umano ng netizen tungkol kay Jam Villanueva.
Si Jam ay ang dating kasintahan ni Anthony Jennings. Matatandaang kalakip ng tuluyan niyang pamamaalam sa aktor ay ang pagsisiwalat umano ng private messages nina Maris Racal at katambal nito sa love team na 'MaThon.'
Sa komento na nabasa nina Mama Loi, Dyosa Pockoh at Ogie, tila may alam ang isang netizen tungkol naman sa panig Anthony laban kay Jam.
Mababasa rin doon na tila may ilalabas namang screenshot ang nag-post na ito na siyang makapagsisiwalat umano ng nagawa naman ni Jam kay Anthony.
"Sino kaya? Baka alam ninyo ha. Kasi kami, hindi namin alam. Kasi parang may detalyeng alam siya," ani Ogie.
"Tingnan natin, oras-oras, araw-araw nag-iiba ang mga statements na 'yan," dagdag pa niya.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube: