Mikee Quintos at Paul Salas, natangayan ng 8 million pesos matapos ma-scam
Nabiktima ng malaking scam ang magkasintahang sina Mikee Quintos at Paul Salas, kasama ang kanilang pamilya. Ayon sa ulat, nagsampa sila ng reklamo sa piskalya ng Makati matapos tangayin ang kanilang pera na umabot sa kabuuang halagang 8 milyong piso.
Ibinahagi ni Mikee na noong una sa mismong show niyang Lutong Bahay na naging maayos ang kanilang transaksiyon sa unang dalawa hanggang tatlong taon dahil naibabalik ang kanilang in-invest. Aniya, maganda ang kita noong una kaya sila napa-invest ng mas malaking halaga. Gayunpaman, kalaunan ay hindi na naibalik ang kanilang pera at tuluyang natangay ang malaking halaga.
Ang insidente ay nagsilbing babala sa publiko na maging maingat sa mga ganitong uri ng transaksiyon at mag-doble ingat upang hindi maloko. Umani rin ng simpatiya mula sa netizens ang magkasintahan, na parehong umaasa ng hustisya laban sa mapanlinlang na gawain.