Maris at Anthony, kasama na muli sa poster ng MMFF movie ni Vice Ganda
Naisama na mula sina Maris Racal at Anthony Jennings sa movie poster ng pelikulang 'And the Breadwinner is.'
Ito ay ang Metro Manila Film Festival entry na pinagbibidahan ni vice Ganda.
Matatandaang sa kasagsagan ng mainit na kontrobersiya nina Maris at Anthony, hindi na muna sila naisama media day ng nasabing pelikula.
At maging sa movie posters, nawala rin pansamantala ang dalawa.
Bago pa man sumiklab ang umano'y mga naging pasabog ng ex-girlfriend ni Anthony na si Jam Villanueva, nagawa pa nina Maris at Anthony na makapag-promote kasama si Vice Ganda at iba pang cast ng And the breadwinner is.
Narito ang kabuuan ng naturang post:
Si Mariestella "Maris" CaƱedo Racal ay isang 23 anyos na Pinay actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Nakarelasyon niya sa loob ng nasa limang taon ang Pinoy musician na si Rico Blanco.