Davao Conyo, sinupalpal ang netizen na humiling ng content tungkol kay Maris Racal



Trending ngayon ang social media personality na si Phillip Te Hernandez, o mas kilala bilang "Davao Conyo," matapos niyang sagutin ang isang netizen na nag-request na gumawa siya ng content o parody ukol sa Kapamilya star na si Maris Racal.


Sa Instagram story ni Davao Conyo, binatikos niya ang netizen na humiling sa kanya ng "entry" tungkol sa kontrobersiyang kinasangkutan ni Maris nitong Disyembre. Ang naturang isyu ay nag-ugat sa pagbubunyag ng ex-girlfriend ng kasamahan ni Maris na si Anthony Jennings, kung saan ipinakita ang umano’y "flirting" ng dalawa sa kanilang chat screenshots.


Ayon sa netizen, "Make entry for Maris Issue please. Hahahah. Looking forward." Subalit imbes na pagbigyan ang hiling, prangkang sinagot ito ni Davao Conyo at pinaliwanag ang kanyang pananaw.


“Ante, hindi maganda na gawing katatawanan ang pinagdadaanan ng ibang tao. Sana hindi mo ito maranasan,” saad niya.


Ipinaliwanag pa niya na ang paggawa ng content na nang-iinsulto o nagpapahiya ng ibang tao para lang sa mabilis na views ay "isa sa pinakamababang anyo ng content." Dagdag niya, “It’s lazy and malicious.”


Giit pa ng content creator, naiintindihan niya ang paggamit ng humor upang gawing magaan ang usapan o pagpanagot sa mga taong nasa kapangyarihan. Gayunpaman, aniya, iba ang panawagan para gawing accountable ang isang tao sa kanilang pagkakamali kaysa sa pagpapahiya sa kanila.


“[These] types of people who take advantage of other people's shame will do the same to you if you were in the same situation, so be very careful around them,” pagtatapos ni Davao Conyo.


Dahil sa kanyang tugon, naging usap-usapan siya sa social media platform na X (dating Twitter), kung saan dinagsa siya ng papuri mula sa mga netizen:



Patuloy na umani ng respeto si Davao Conyo hindi lamang sa kanyang mga followers kundi pati na rin sa mga taong humahanga sa kanyang prinsipyo at paraan ng pagpapahayag ng opinyon.


Si Mariestella "Maris" CaƱedo Racal ay isang 23 anyos na Pinay actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad.