Chloe San Jose, sinagot ang tanong tungkol sa kanyang ilong: “It’s all natural!”



Sinagot ni Chloe San Jose ang isang netizen na nagtanong kung nagpagawa ba siya ng ilong. Sa komento ng netizen, sinabi nitong kapareho ng ilong ni Chloe ang ilong ng kanyang anak sa mga lumang larawan ng aktres at umaasa itong tatangos pa ito.


"Nag pa gawa ka po ba ng nose? Curious lang. Dun sa mga baby pic mo same kayo ng nose ng baby ko umaasa ako na tatangos pa ilong nya"


Ayon kay Chloe, natural ang kanyang ilong at wala siyang ipinagawa. “I’ve never gotten my nose and or anything done–IT'S ALL NATURAL,” aniya. Ibinahagi rin niya na pinipisil at sinisipit ang kanyang ilong noong bata siya dahil sa paniniwalang makakatulong ito upang tumangos.


Siniguro rin ni Chloe na magde-develop pa ang features ng anak ng netizen, kabilang na ang ilong.




Si Chloe San Jose ay kilalang social media personality at influencer sa Pilipinas. Kadalsan siyang nagpo-post tungkol sa fashion, lifestyle, at travel. Madalas din siyang nasasangkot sa mga kontrobersiya at usap-usapan sa social media, lalo na’t palaban ang kanyang personalidad pagdating sa mga isyu.