Elizabeth Oropesa, nagbahagi ng mensahe para kay Carlos Yulo



Sa isang kontrobersyal na TikTok video, tahasang pinangaralan ng veteran actress na si Elizabeth Oropesa ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo dahil sa umano’y hindi magandang pakikitungo nito sa kanyang ina. Sa naturang video, sinabi ni Oropesa, “The way he’s treating his mother is horrible,” at idiniin na mali ang paraan ng pakikitungo ni Yulo sa kanyang magulang.


Ayon kay Oropesa, walang lugar sa lipunan ang ganitong klaseng asal, lalo na pagdating sa isang anak na hindi marunong gumalang sa kanyang ina. “Kahit anong sabihin, mali po 'yun. Ang pagtulong sa magulang ay hindi responsibilidad, ito po ay galing sa puso ng taong marunong magmahal,” ani pa ng aktres. Idinagdag niya na kahit anong kasalanan ng ina, ito pa rin ay nanay na nararapat igalang at mahalin.


Mas lalo pang uminit ang pahayag ni Oropesa nang sinabi niya, “Tandaan mo, your cells galing sa ina mo... Hanggang mamatay ka, kahit patay na ang ina mo, 'yan ang tutulong sa health mo. 'Yan ang reason kung bakit ang galing mong athlete, t*nga!” Dagdag pa ng aktres, hindi dapat ipinapahiya ni Yulo ang kanyang ina at hindi rin tamang tawagin itong magnanakaw.


Ang matapang na komento ni Oropesa ay mabilis na umani ng atensyon online, kung saan nagkaroon ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen. Sa kabila ng matinding pahayag, marami ang nag-aabang sa magiging tugon ni Yulo o ng kanyang kampo sa mga akusasyon at pananaw ni Elizabeth Oropesa.

@jacquelineelizabethfree0

Caloy Yulo. Sana Makarating Sayo

♬ original sound - Elizabeth Oropesa