Baron Geisler, pinasalamatan ang mga pumuri sa kanya at tumangkilik sa 'Doll House'
Pinasalamatan ni Baron Geisler ang lahat ng tumagkilik sa kanilang bagong pelikula na mapapanood sa Netflix, ang 'Doll House.'
Nalaman ng Trending Bytes na umani ng papuri ang inaasahang husay sa pag-arte ni Baron na gumanap bilang "Rustin/Clyde" sa nasabing pelikula.
Sa panayam sa kanya ng Ogie Diaz Showbiz Update, aminado si Baron na hindi niya inaasahan ang labis na pagmamahal na kanyang natatanggap lalo na sa mga nakapanood ng 'Doll House.'
"Napaka-grateful po, I praise God for all the blessings. Kasi unexpected po ito no, na hindi ko akalain na biglang magja-jump from number two to number one, tapos magwa-one week na po tayong number one sa Philippines," ani Baron.
"Gusto ko lang magpasalamat sa Mavx Productions, sa mga tao sa industriya natin na hindi nag-give up sa akin kasi tamang-tama ang tema ng pelikulang ito. It's all about second chances, forgiveness, unconditional love, and authenticity. Andami kong natutunan sa pelikulang ito," dagdag pa niya.
Ang Doll House ay tungkol sa isang ama na nabigyan ng pagkakataong makasama ang anak na nawalay sa kanya dala ng kanyang bisyo at ibang proyoridad sa buhay.
Sinasabing mas nabigyang hustisya ni Baron ang kanyang karakter sa proyektong ito dahil sa hindi ito nalalayo sa sarili niyang mga pinagdaanan.
"'Yung mga nagawa ni Clyde, 'yung difference namin si Clyde, hindi nagka-second chance para maka-connect talaga sa anak niya. Pero ako ngayon, blessed with a beautiful wife and three kids."
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag: