Raffy Tulfo, nakiusap sa publiko na patahimikin na ang pamilya ni Jovelyn



Nagbigay ng kanyang pahayag si Raffy Tulfo kaugnay sa itinatakbo ng kaso ni Jovelyn Galleno, ang dalagang nawala noong Agosto sa Palawan.


Nalaman ng Trending Bytes na matapos na lumabas ang resulta ng polygraph test kina Joebert Valdestamon at Leobert DasmariƱas, ipinahayag ni Tulfo na iyon na ang huling pagtulong nila sa mga ito.



Lalo na nang bumagsak si DasmariƱas sa lie detector na tila tinataguan pa umano sila at hindi na nagpapaunlak ng panayam.


Dahil dito, maraming netizens ang 'di pa rin umano kumbinsido sa paunti-unting kinahihinatnan na ng kaso.


"Come on guys, patahimikin na natin 'yung mga immediate relatives, 'yung mga kamag-anak ni Jovelyn. When I say kamag-anak, I'm talking about the mom, and the siblings. Mas masakit po, yung nararamdaman nilang hapdi kaysa po sa inyo o sa atin dito," pahayag ni Tulfo.


Maging ang kapatid ni Jovelyn na si Jonalyn ay pareho ang pakiusap sa publiko lalo na at naapektuhan na ang kanilang ina tuwing may mababasa o malalaman na may kaugnayan kay Jovelyn.


"'Wag na ho nating dagdagan pa 'yung pahirap na kanilang naranasan. Ang mga kamag-anak po ni Jovelyn ay tanggap na po tanggap na nila 'yan po galing mismo kay Jonalyn. Tanggap na 'yung resulta na unang ipinalabas ng PNP na doble ng NBI, at maganda 'yung paliwanag ng NBI nung proseso ng pag-conduct ng DNA testing... Kung sila po mismong mga kamag-anak ay iginalang ang resulta ng NBI sa DNA testing, galangin din po natin 'di po ba?" dagdag pa niya.


"Again, kung meron po talagang mga taong nasasaktan dito at talagang apektado ng todo-todo ay 'yung mother ni Jonalyn. Si Jonalyn at kanyang kapatid... Ngayon po, dahan-dahan na silang nakaka-move on."


Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag maging ng kapatid ni Jovelyn na si Jonalyn sa Raffy Tulfo in Action: