Mga katrabaho ni Jovert Valdestamon, nanindigang kasama nila ito noong August 5



Sa panayam ng Super Radyo DYSP 909Khz Palawan sa katiwala at foreman ng ginagawang gusali na si G. Jeric Cabangon, pinanindigan nito na kasama nila si Jovert Valdestamon noong August 5, 2022. Taliwas ito sa pahayag ni Leobert DasmariƱas na kasama niya si Jovert noong gabing nawala si Jovelyn Galleno.


Sinabi din nito na kinabukasan pa nang hapon nakauwi si Jovert dahil hinintay pa umano nito ang kanyang sahod. Maging ang ibang kasamahan niya ay nagbigay na ng sinumpaang salaysay sa mga otoridad.



Sinabi din ng mga katarabaho ni Jovert na maayos itong katrabaho at hindi umano nila kukonsentihin si Jovert kung nakagawa man ito ng mali.


Base sa naunang post ng Radyo Bandera Philippines, may isang business establishment na matatagpuan sa Brgy. Tagburos ang nagbigay ng karagdagang CCTV footage na magpapatunay na nakasakay sa multicab ang dalaga.


Nauna nang naiulat ng Palawan Star na taliwas sa naunang impormasyon na Sedan ang sinakyan ni Jovelyn, multicab umano ang sinakyan nito base na rin sa isang CCTV footage.