Lalaking kilala sa paghingi ng Php5 sa kanilang lugar, nag-donate ng 80 boxes ng Crayola
Umantig sa puso ng maraming netizens ang kwento ni Christopher Francisco ng Balete, Aklan na nakamamanghang nakapag-donate ng 80 boxes ng Crayola sa Calizo Elementary School.
Nalaman ng Trending Bytes na ang teacher ng nasabing paaralan na si Ma'am Juliet Justo ang nagbahagi ng kwento ni Cris sa kanyang Facebook.
Aniya, laking gulat nila nang dumating ito sa kanilang paaralan na may dalang sako. Nang ilabas nito ang laman, 80 mga kahon ng pangkulay ang inihanay pa nito sa mesa at para raw ito sa mga estudyanteng nangangailangan nito.
"Hindi kami nakapagsalita tapos nagtinginan kami, nang makita namin ang laman nang sako, hindi namin namalayan umiiyak na pala kami," kwento ni Ma'am Juliet.
Kilala umano si Cris sa panghihingi nito ng Php5 sa kanilang lugar. Subalit labis silang nasurpresa na ang perang hinihingi nito ay iniipon pala ni Cris pambili ng mga pangkulay.
Ayon sa Pilipino Star Ngayon, napag-alaman nilang may autism si Cris. Kaya naman mas lalong naging kahanga-hanga na sa kabila ng kanyang kondisyon ay ang busilak niyang puso na magbahagi pa rin sa kanyang kapwa.
Narito ang kabuuan ng kanyang kwento na naibahagi rin ng 'Diumano':