Kapatid ni Jovelyn Galleno, nakiusap na tigilan ang paggamit sa pangalan ng ate niya
Nakiusap ang nakababatang kapatid ng nawawalang dalaga na si Jovelyn Galleno na tigilan na ang paggawa ng social media account gamit ang pangalan ng kanyang ate. Aniya, lalong nagiging komplikado ang mga pangyayari dahil sa mga maling impormasyon na nilalabas sa social media.
Humiling din siya na tigilan na ang paggamit sa pangalan ng ate niya bilang pagrespeto na rin sa pinagdadaanan ngayon ng kanilang pamilya.
Samantala, marami naman sa mga netizens ang patuloy na naghahayag ng kanilang suporta sa pamilya ni Jovelyn:
"Galleno family lakasan nyo loob nyo at patuloy tayo sa pag pray para Kay Jovelyn Galleno at sana ligtas sya at sana Makita na sya mag tiwala Kay GOD"
"Tama naman po siya nakakalito yung iba na nagpapakalat ng mga maling information."
"I'm praying for your family na makabalik na ligtas Yong ate mo"
Si Jovelyn Galleno ay ang 22-anyos na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Nawala siya noong ika-5 ng Agosto kamakailan lang. Ayon sa kanyang kapatid, sinabi ng kanyang employer na 6:30 ng hapon ay nag-out na ito sa kanyang trabaho. Nag-chat pa umano ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.