Justin Bieber, dumanas ng face paralysis kaya nakansela ang mga shows
Nilinaw ni Justin Bieber ang dahilan ng pagkakakansela ng kanyang mga nakatakdang shows niya sa Toronto, Canada at sa Washington D.C., United States. Sa isang video ay makikita ang isang bahagi ng mukha ni Bieber, kabilang ang mata ilong at bibig na hindi nakakagalaw kagaya ng nasa kabilang bahagi ng kanyang mukha.
Nagkaranas umano siya ng face paralysis matapos siyang magkaroon siya ng Ramsay Hunt syndrome, isang kondisyon na nakakaapekto sa ugat sa mukha.
"For those who are frustrated by my cancellations of the next shows, I’m just physically, obviously not capable of doing them. This is pretty serious. As you can see,”
Gugulin daw niya ang oras niya para makapag-relax at makapagpahinga upang bumalik sa kondisyon ang kanyang katawan.
Pinasalamatan niya ang kanyang mga fans sa pag-unawa sa kanya at sinisigurado niyang gumagawa siya ng mga facial exercises para maibalik sa normal na kondisyon ang kanyang mukha.
Si Justin Drew Bieber ay isang Canadian singer na na nakilala sa music industry noong 2009 sa edad na 15. Nagkaroon siya ng maraming hit single at album mula noon at sumikat sa iba't-ibang panig ng mundo.