Video ng Leni-Kiko supporters sa Tuguegarao City na humihiyaw ng 'walang solid north', viral
Viral ngayon ang video ng mga supporters ng grupo ni Vice president at presidential candidate Leni Robredo na kuha sa St. Peter and Paul Metropolitan Cathedral sa Tuguegarao City.
Nalaman ng Trending Bytes na agaw-eksena umano ang naturang video dahil sa hinihiyaw ng mga supporters na 'walang solid north'
Paulit-ulit na isinisigaw ito ng mga supporters na nakasuot ng pink bilang pakikiisa sa kandidatura ni Robredo sa pagka-pangulo ng bansa.
Ang Tuguegarao ay bahagi ng Cagayan na inaasahan umanong balwarte ng mga Marcos na isa sa mahigpit na katunggali ni Robredo sa pagiging susunod na presidente ng Pilipinas.
Matatandaang mababa ang nakuhang boto ni Robredo sa naturang probinsya nang unang silang magkaharap ni Bongbong Marcos para maging bise presidente ng Pilipinas noong 2016.
Bago magtungo ang grupo ni Robredo sa Cagayan, naganap ang People's rally nila ng kanyang running mate sa vice presidential candidate na si Senator Kiko Pangilinan at kanilang senatoriables sa Bacolod na dinaluhan ng 70,000 na 'Kakampink.'
Ito umano ang 'biggest crowd so far' na naitala sa lahat ng naisagawa na nilang campaign rally.
Narito ang viral video mula sa One News: